Loading...

News Details

Salary increase ng government workers, suportado ni Bong Go

NPO
August 5, 2024
Salary increase ng government workers, suportado ni Bong Go

PHILSTAR

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ni Senator Christopher “Bong” Go ang Executive Order No. 64 na inilabas ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr., na nag-uutos ng umento sa sahod at karagdagang allowance para sa mga manggagawa sa gobyerno.

“Ipinaglaban po natin ito kaya masaya tayo at nari­nig ang ating suhestiyon. Ito ay isang malaking hakbang patungo sa pagkilala at pagpapahalaga sa mga kawani ng ating gobyerno,” ayon kay Sen. Go.

“Ang pagtataas ng sahod na ito ay hindi lamang isang pagsasaalang-alang sa mga hamon ng inflation kundi isang pamamaraan para mapanatili nating masigla, may integridad, at mahusay ang ating workforce,” dagdag niya.

Ang adjustment sa sa­lary schedule ay angkop sa lahat ng civilian government personnel na layong tugunan ang pagguho ng purchasing power ng maraming empleyado dahil sa patuloy na mga hamon sa ekonomiya.

Naging tagapagtagu­yod si Go ng kapakanan ng mga empleyado ng pampublikong sektor kaya dati na niyang inihain ang Senate Bill No. 2504, kilala bilang “Salary Standardization Law VI.”

Ang panukalang batas na ito ay batay sa mga probisyon ng naunang pinagtibay na Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law (SSL) 5  kung saan nagsilbi si Go na isa sa may-akda at co-sponsor nito sa Senado noong 2019 at ipinatupad mula 2020-2023.

Kahit walang pagpapasa ng panukalang batas, sinabi ni Go na welcome sa kanya ang inisyatibo ng ehekutibo upang pondohan at ipatupad ang bagong tranche ng dagdag sahod para sa mga empleyado ng gobyerno.

Connect With Us Today!

Discover how CCNPh can help transform your community and foster sustainable development through our collaborative approach in agriculture, healthcare, and more!

Join the Cooperative Movement Driving Economic Growth and Social Impact Across the Philippines.

News Letter

Stay Updated for any news about Cooperatives Cooperation Network Philippines (CCNPh)

© Cooperatives Cooperation Network Philippines. All Right Reserved.